Nabigo ang limang kawatan na pawang miyembro umano ng ‘Termite Gang’ na una nang nanloob sa China Bank Fairview branch, nang muli umanong nagpaplano na sunod na pagnakawan ang Banco De Oro (BDO) sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Iniharap sa ginanap na press conference ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga nadakip na suspek na sina Jordam Agustin Duldulao, 29, may-asawa, taxi driver, at residente ng 2721 Bgy. Poblacion Quirino, ILocos Sur; Melbert Aligan Bautista, 26, binata, farmer ng Bgy. Lamag, Quirino Ilocos Sur; Ambrose Rex Sannad Layao, 28, may-asawa, jeepney driver, naninirahan sa Bgy. Irisan, San Carlos, Baguio City; Allyson Ngina Aligan, 23, binata, farmer ng Bgy. Patiacan, Ilocos Sur; at Geraldine Tingalan Bawas, 25, binata, farmer ng Purok 24, Bgy. Irisan San Carlos, Baguio City.
Ayon kay Eleazar, ang mga nasabing suspek ay naaresto dakong alas-7:05 ng gabi sa kanto ng EDSA at New York St., Bgy. E. Rodriguez ng nasabing lungsod. S
ila ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9516, RA 10591, Robbery at Omnibus Election Law, matapos na makumpiskahan ng granada at iba’t ibang uri ng armas.