Naligo sa kanilang sariling dugo ang limang kalalakihan na mas ninais pang itaya sa panganib ang buhay kaysa huminto sa checkpoint sa Quezon City at Maynila kamakalawa ng gabi.

Tatlo sa mga ito ay mga carnapper umano na tumangay ng taxi ng isang matandang lalaki na kanilang hinoldap sa kahabaan ng Kamuning Road, Quezon City. Habang dalawa naman ang nagpaputok ng baril nang sitahin at lapitan ng pulis dahil walang helmet sa Northbound lane ng kahabaan ng M. Adriatico St., sa Malate, Maynila.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnapping Unit, ganap umanong alas-10:00 ng gabi habang nagsasagawa ng checkpoint sa North Avenue ng nasabing lungsod nang parahin nila ang taxi na kina­lululanan ng apat na suspek na inaalam pa ang mga pagkakakilanlan.

Ngunit sa halip na huminto ang mga ito ay lalo pa umanong pinaharurot ang sasakyan kaya hinabol ito ng mga awtoridad. Sunud-sunod na nagpaputok umano ang mga suspek dahilan upang gumanti ng sunud-sunod na putok din ang mga pulis.

Nang makita ng nagda-drive ng ninakaw na taxi na nasa peligro sila ay ipinara nito ang taxi at kumaripas ng takbo patakas. Malas naman na napuruhan ang tatlong kasama nitong suspek.

Napag-alaman na ang taxi na sinasakyan ng mga suspek ay pagmamay-ari ni Alberto Tabacio, 66 na hinoldap ng mga suspek sa Kamuning Road ng gabi ring iyon bago ang engkwentro.

Nakilala naman ang mga napatay sa Maynila na sina Alexander Escobal, 40, ng 2186 Ba­lingkit Leveriza St., Malate, Maynila at umano’y AWOL (absent without official leave) na pulis na si PO2 Manuel Fuentes Lim, 34, ng Block 6, Lot 27, Villa Corpina, Tandang Sora, Quezon City sanhi ng mga tama ng bala baril sa katawan

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, dakong alas-9:20 ng gabi habang nagsasagawa ng checkpoint ang tauhan ng MPDPS 9 nang sitahin ng pulisya ang mga suspek na lulan na motorsiklo dahil walang suot na helmet.

Nang lalapitan na ng mga pulis ay agad pinaputukan ang mga ito ng mga suspek.

Mabilis na gumanti ng mga putok ang mga pulis na nagresulta ng pagkamatay ng mga suspek.

2 Responses

  1. pag napatay kriminal kailangan HUMAN RIGHTS PAG SUNDALO AT PULIS NAPATAY KAILANGAN NAMAN ANG HUMAN WRONG,,, tang inang mga human rights mga ito,,,DAPAT UNAHAN AT PAGPAPATAYIN MGA KRIMINAL BAGO MAKAPATAY NG PULIS AT SUNDALO…KAGAYA NG 5 YAN NA PATAY AGAD MABUTI YAN PARA SA IKATATAHIMIK NG BAYAN…HINDI NA GAGASTOS ANG GOBYERNO SA PAGPAPAKULONG AT PAGPAPAKAIN SA MGA HINAYUPAK NA MGA KRIMINALS NA MGA YAN…