Limang construction workers ang dinukot umano ng mga hinihinalang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu kahapon.

Ayon sa report, kinilala ang mga dinukot na biktimang sina Joel Adanza, Jung Guererro, Edmundo Ramos, Jayson Baylosis pawang residente ng Barangay Tumaga at Jenly Miranda ng Barangay Pasonanca sa Zamboanga.

Base sa impormasyon, nangyari ang insidente bandang ala-1:30 ng madaling-araw sa Kawpang Elementary School sa Brgy. Bangkal sa munisipyo ng Patikul.

Sa salaysay ng mga pulis sa Patikul, natutulog umano ang mga biktima sa Sports Complex ng naturang paaralan nang pumasok ang nasa 20 mga armadong kalalakihan at saka puwersahang dinukot ang mga ito.