5 patay sa Cavite drug bust

Limang katao na ­pa­wang mga drug personalities ang ­napatay sa magkakahiwalay na oras at lugar sa lalawigan ng Cavite, kahapon ng mada­ling-araw, bunsod ng mga ikinasang buy bust ope­ration ng Cavite Police.

Tatlo katao ang ­unang tumimbuwang sa Barangay San Agustin, Trece Martires City bandang alas-10:30 ka­ma­kalawa ng gabi, ngunit tanging­ si Jose Bazarte, alyas ‘Boche’ na kabilang sa watchlist pa lamang ang nakikilala. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawa pa nitong kasamahan.

Tatlong kalibre .38, apat na plastic sachet ng shabu at marked money ang nakuha sa mga suspek.

Bulagta rin sa buy bust sa Barangay Ibayo Silangan Naic, Cavite si Darwin Tangkad, habang kasunod na nailista sa drug related death toll ang suspek na si Ferdie Buenavista alyas ‘Rick’, 39-anyos, ng Barangay Sapa 3 Rosario Cavite, nang makaengkuwentro ng pulis pasado alas-tres ng madaling-araw.

Nakuha rin sa mga ito ang ilang sachet ng shabu, marked money at tig-isang kalibre 38 revolver.