Limang suspek na pawang kabilang sa mga drug personality sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas ang tumimbuwang sa ikinasang “One Time Big Time” operation ng pulisya sa buong lalawigan kahapon.
Layon ng nasabing operasyon ang “simultaneous implementations” ng mga search warrants laban sa mga drug personalities at mga nagpapatakbo ng drug den sa buong Batangas.
Ngunit minalas na mapatay sa engkuwentro, matapos umanong manlaban sa pulisya ang limang katao mula sa mga bayan ng Nasugbu, Mataas na Kahoy, Balayan, Mabini at Bauan.
Narekober sa mga napaslang na suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril at ilang pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Hindi rin bababa sa 50 katao ang naaresto sa iba pang police operation sa Batangas, na pawang kabilang din sa drug watch list.