Nasa limang katao kabilang ang isang babae, lalaking may sakit na tuberculosis at criminology student ang pinakahuling naitalang napatay sa loob lang ng halos pitong oras sa muling pagsalakay ng kilabot na umano’y vigilante group na Caloocan Death Squad sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.
Sa pinagsamang imbestigasyon ng Caloocan City police partikular nina PO3 Rhyan Rodriguez at PO3 Romel Caburog ay ganap umanong alas-7:00 ng gabi habang nakikipag-inuman sa isang bahay sa Camia Street, Barangay 185, Malaria ng nasabing lungsod ang dalawa sa mga biktimang sina Mark Anthony Gonzales, 21, isang dog trainer at Danica Sobrapinya, 21 na pawang mga sa nasabi ring lugar kasama ang mga kaibigan nang dumating ang tatlong mga kalalakihang pawang mga naka-bonnets, facemasks at nakaitim na damit.
Pinasok ng mga salarin ang nasabing bahay at pinaulanan ng bala ang dalawa at saka nagsitakas.
Napagalaman sa mga kapitbahay ni Gonzales na sangkot umano ito sa bawal na gamot ngunit si Sobrapinya ay malamang umanong napagkamalan o nadamay lang.
Ganap na alas-7:30 ng gabi habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ang construction worker na si Daniel Albaño, 27, ng Santo Cristo, Barangay 187, Tala ng nasabi ring lungsod nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa rin nakilalang armadong lalaki.
Agad na namatay ang biktima na ayon sa mga taga lugar ay sangkot umano sa illegal drug activities.
Ganap na alas-2:30 ng madaling araw sa Kabulusan II, Barangay 20 ng nasabi pa ring lungsod nang pasukin sa inuupahang silid si Albert Lalin Samson, 17, criminology student sa University of Caloocan City (UCC) ng nasa walong armadong kalalakihan at pinaulanan ng bala.
Agad isinugod ng mga kaanak ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit nasawi ito sa biyahe pa lang.
Hinala ng mga kaanak at kapitbahay, ay napagkamalan ito, dahil wala umanong bisyo ang biktima.
Samantala, ganap na alas-10:00 ng gabi nang pagbabarilin at mapatay ng nasa tatlong kalalakihan si Bernardo Paligano, 36, walang hanapbuhay at may sakit na Tuberculosis.
Nakatambay umano ito sa labas ng bahay nang pagbabarilin ng mga suspek.
Dami adik tulak sa calokan