5 preso sa Bilibid todas sa HIV

Inihayag ng isang opis­yal ng New Bilibid Prison (NBP) Hospital na limang preso na ang namatay dahil sa human immunodeficiency virus o HIV.

“We have HIV cases in Bilibid. Since the time I handled it, more less five patients died already,” pahayag ni NBP medical officer Dr. Ursicio Cenas matapos tanungin ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Sa pagdinig kahapon ng Senate justice and human rights committee sa mga anomalya sa Bureau of Corrections, kinumpirma ni Cenas na noo’y nagre-refer sila sa mga presong may sakit para magamot sa mga pribadong ospital sa labas ng NBP.

Subalit pinagbawal na umano ito noong panahon ni dating Justice Secretary at ngayo’y Senador Leila de Lima.

“During the time of Sec. De Lima, nag-issue po siya ng department order na lahat ng pasyente ga­ling Bilibid ay puwedeng i-admit sa government hospital,” ani Cenas.

“5 to 6 years na pong walang pasyente na nire-refer sa private hospital,” dagdag pa nito, kasabay ng pagsabing wala siyang alam na drug lord na pinayagang magpa-confine sa private hospital. (Dindo Matining)