Kulungan ang bagsak ng limang sabungero matapos na maaktuhan sa ginawang iligal na tupada sa Barangay Cupang, Muntinlupa City, Linggo ng umaga.
Nakilala ang mga suspek na sina Ariel Aborda, 41; Alejano Miones, 42; magkapatid na Melvin, 40, at Nomar Guevarra, 46; at Joselito Bohoolano, 45.
Ayon sa ulat ni P/Maj. Peter Aquino, hepe ng Intelligence Unit ng Muntinlupa City Police, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa nagaganap na tupada kaya agad ikinasa ang operation sa Cabeza Compound sa nasabing barangay alas-10:45 Linggo ng umaga.
Naaktuhan ng Muntinlupa Police ang naganap na tupada at nadakma ang limang suspek habang agad nagkalasan ang iba na.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang panabong na manok, dalawang tari at P600 bet money.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Muntinlupa detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling. (Vick Aquino)