5 sports namumuro sa Tokyo 2020

TOKYO (AP) — Limang sports kabilang ang surfing at skateboar­ding ang posibleng maisama sa calendar ng Tokyo 2020 Games.

Nirekomenda ng International Olympic Committee (OIC) ang skateboarding, surfing, karate, sports climbing at baseball/softball na isama sa sa Tokyo. Base sa Olympic program commission report na ini-release nitong Biyernes, sinabing ang limang sports ay pinag­halu-halong tradisyunal at pausbong na youth-focused events at pawang may international at local appeal.

Ibababa ng IOC ang final decision sa limang sports sa Rio de Janeiro sa Aug. 3, dalawang araw bago ang opening ce­remony ng 2016 Games.

Para maikonsiderang isama sa Tokyo, ikinunsidera ang gender equa­lity, youth appeal at legacy value.