5 sugatan sa Agusan blast

Inaayos na ng pulisya sa Tubay, Agusan del Norte, ang kasong isasampa laban sa isang lalaki na responsable sa paghagis ng granada kahapon ng madaling-araw na ikinasugat ng limang katao.

Haharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives at serious physical injuries ang suspek na si Ruel Bahan, residente ng Barangay Doña Rosario.

Kinilala naman ni PO2 Jomar Ascares ng Tubay Municipal Police Station ang mga sugatan na sina Brian Bagaipo, Eugene Pilo, Junrey Batas, 25; Johnny Pabia, 13; at Zelia Mitch Bahan, 13.

Lasing na nagsadya sa lamay ng kanilang kapitbahay ang suspek na nagalit dahil nawalan siya ng pera at si Bagaipo ang pinagdudahan nitong kumuha.

Umuwi sa kanilang bahay ang suspek at bu­malik bitbit na ang kanyang caliber .45 na baril at isang granada na pinigil ng kapatid nitong si Richard Bahan.

Nagpangbuno ang dalawa dahilan upang mahulog ang granada na pinulot ni Bagaipo sabay tapon at dito na sumabog.