Ipapakalat ng lungsod ng Maynila ang 50 electric tricycles o E-trikes sa susunod na buwan bilang bahagi ng unti-unting paglunsad ng mga de-bateryang tricycle sa lungsod bilang kapalit ng mga tricycle at kuliglig.
Ayon kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang mga E-trikes ay ilulunsad sa Binondo at Malate bilang pilot areas ng programa dahil ito ang sentro ng turismo at negosyo ng lungsod sa Oktubre 15 ng kasalukuyang taon.
“Bukod sa pagtulong natin sa ating mga tricycle drivers na kumita ng mas malaki, naniniwala ako na mapapalakas pa natin ang turismo sa Malate at Binondo sa pamamagitan ng mga E-trikes na ito,” ani Estrada.
Binigyang diin ni Estrada na hindi mawawalan ng hanapbuhay ang libu-libong tricyle at kuliglig drivers kapag ganap nang naipatupad ang E-trikes program.