50 endangered reptile nasabat sa NAIA

Umaabot sa 50 reptile ang nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 mula sa mga bagaheng galing sa Bangkok, Thailand.

Sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasagip ang may 50 piraso ng chameleon, bearded dragon at iguana na nakasilid sa loob ng dalawang bagahe na pag-aari ni Neil Ryan Dysoco.

Ayon kay Atty. Andres Villaruel ng DENR-NAIA, sakay ng Philippine Airlines Flight PR 737 si Dysoco kasama ang dalawang malaking bagahe at nang idaan sa scanning monitor ay doon na nabuking ang bitbit na mga reptile.

Sinabi pa ni Villaruel­ na walang maipakitang mga dokumento si Dyso­co sa pagdadala ng mga endangered species kaya kinumpiska na nila ang mga chameleon, bearded dragon at iguana.

Nabatid na nagkakahalaga ng P25,000 hanggang P45,000 ang bentahan sa black market ng mga nasabing mapanganib na uri ng hayop.