50 engineers, eksperto ng JICA tulung-tulong sa MRT-3

mrt

May 50 engineers at mga eksperto mula sa Japan International Cooperation (JICA) ang nagtulong-tulong  kahapon para sa pagsasaayos at pagsasagawa ng system audit para sa Metro Rail Transit Line 3.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways TJ Batan, mahalaga ang system audit  para malaman ang rehabilitation at restoration works na kinakailangan para sa MRT-3 na isasagawa ng mapipiling maintenance provider na magsisimula sa buwan ng Mayo.

Nabatid na isang Japanese company ang nagdisenyo at bumuo ng MRT-3 mula 1998 hanggang 2000 at pinangasiwaan ang maintenance mula 2000 hanggang 2012.

Aminado si Batan na kinakailangan nila ng lahat ng tulong at nagagalak naman sila na tumugon ang Japanese Government sa kanilang hiling na maasistehan para isaayos at i-rehabilitate ang MRT-3.

Ang systems audit ay hiwalay pa sa Independent Audit and Assessment (IAA) ng TUV Rheinland, para sa kabuuan ng MRT-3 system, kabilang na ang 48 mga TRAIN cars na nagmula sa Dalian motors sa bansang China.

Ngayong Pebrero nakatakdang dumating ang mga karagdagang trains, ayon kay Batan.