Arestado ang isang Taiwanese nationa­l matapos makumpiskahan ng may 50 kilo ng shabu sa Red Planet Hotel Aseana sa Barangay Baclaran, Parañaque City.

Nakakulong na nga­yon ang suspek na si Chen Teho Chang, 56, residente ng Biñan, Laguna.

Nakalagay sa tatlong box na may mga lamang tuyo ang nasabing dami ng shabu na nagkakaha­laga ng P250 milyon.

Ayon kay Philippine National Police Drug Enforcement Group (DEG) Public Information Officer Supt. Enrico Rigor, dalawang buwan na rin nilang minamanmanan ang suspek.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek na may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

One Response