Trending sa Mindanao ngayon ang harana style na pagpapasuko ng mga awtoridad sa mga drug personality sa Compostela Valley.
Mahigit 500 ang nagbalik-loob sa lokal na pamahalaan bunga ng naturang hakbang sa loob lamang ng apat na araw.
Madaling-araw pa kung puntahan ng awtoridad ang bahay ng mga suspek at kanilang hinaharana ang mga ito. May mga dala pang musical instrument ang mga pulis para sa kantang kanilang inihanda.
Layunin nito na mapawi ang takot sa puso ng mga drug personalities at kampanteng sumuko sa pulisya para makapagbagong-buhay.
Malaki ang tiwala ng hepe ng pulisya dito na epektibo ang naturang paraan para makumbinsi lahat ng mga drug personality sa kanilang lugar na sumuko at magsimula ng panibagong buhay.