Umaabot sa 504 barangay sa Bicol ang apektado ng bagyong Nina, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa nasabing bilang ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo halos kalahati ay matatagpuan sa Albay. Kasunod ang Camarines Sur, 153 barangay na may 27,919 pamilya at Catanduanes, 69 barangays kung saan ay apektado ang may 21,906 pamilya.

Sinabi pa ni Taguiwalo na patuloy na ipinoposisyon ang mga relief goods na ipamumudmod sa iba’t ibang mga munisipyo ng apektado ng bagyo.

Ang DSWD ayon pa sa kalihim ay nakapagpa­labas na ng 47,298,500 assistance o sa pamamagitan ng relief goods.