Pag-aagawan ang premyong P50,000 sa Las Piñas Coliseum sa pang-Sabadong edisyon ng “Fastest Win One-Cock Ulutan” na may inaasahang 100 entries ngayon.
Mababang P550 lamang ang entry fee at P3,300 minimum bet ang tinakda sa pasabong nina Felix Ego at Teteng Group.
Tatanggap ng P1,000 ang unang 20 winners at paghahatian ng mga three pointer ang P20,000.
Inaabangan naman ang taunang pa-derby para sa mga smalltime cocker at hackfight enthusiast na “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” sa March 13, sa promosyon ni Budjit Aguilar.