52 pts ni Wells, wa epek sa Gins

52 pts ni Wells, wa epek sa Gins

Mga laro sa Miyerkoles: (Ynares Center, Antipolo)
4:30 pm – Columbian vs NLEX
7:00 pm – Blackwater vs Magnolia Pambansang Manok

Tumangga si Justin Brownlee ng 28 points, at tig-14 rebounds at assists para dungisan ng Barangay Ginebra San Miguel ang grand slam-seeking San Miguel Beer, 129-124, sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-20 eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-ambag si Stanley Pringle ng 25 marker, 6 boards, 6 feeds at 2 steals habang si LA Tenorio ay may 18 puntos, 3 rebs., 4 assists at stl. para sa ikalawang panalo ng Gin Kings sa apat na salang at umakyat sa ikapitong puwesto.

Tumulong din sa Japeth Aguilar na inihulog ang anim sa kanyang 14 pts., 5 rebs. sa krusyal na yugto kung saan nagpilit makahabol ang Beermen na bagsak sa 4-1 at sinaluhan sa pangalawang puwesto ang NLEX.

Tinarak ng Gin Kings ang 18 puntos na abante sa 5:21 minuto ng ikatlong yugto, 87-69, mula sa dunk ni Brownlee.

Ang iskor:
Ginebra 129 – Brownlee 28, Pringle 27, Tenorio 19, Aguilar 17, Chan 15, Dela Cruz 11, Slaughter 8, Mariano 4, Thompson 0.

San Miguel 124 – Wells 52, Fajardo 16, Lassiter 16, Cabagnot 13, Ross 10, Pessumal 9, Santos 7, Standhardinger 2, Nabong 0.

Quarters: 35-32, 71-59, 96-85, 129-124. (Lito Oredo)