Mahigit 2,000 drug addict ang nakapagtapos na sumailalim sa rehabilitasyon, ayon sa Malacañang.
“We have already graduated 2,553 of the 5,600 enrollees in the 13 treatment rehabilitation center nationwide,” paghahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Iniulat din ng Palace spokesman na noong nakaraang linggo ay grumadweyt ang mga drug dependents matapos sumailalim sa anim na buwang rehabilitation program para sa drug abuse treatment sa rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Umaabot sa 53 drug dependents aniya ang nagtapos sa naturang drug treatment sa Fort Magsaysay.