532K turista bumisita sa Bolinao

May kabuuang 532,142 turista ang bumisita sa Bolinao noong taong 2019,
Tumaas ng may 48.12% kumpara sa may 359,269 bumisita noong 2018.

“Of the total number of tourists in 2019, 3,261 are foreign tou­rists while 528,881 are domestic tourists,” ayon kay municipal tourism officer Mary de Guzman.

Nabatid na ang white sand beach sa Barangay Patar at ang Bolinao Falls 1, 2 at 3 ang pinakamaraming bumisita.

Ang iba pang tourist attraction sa Bolinao ay ang Silaqui Giant Clam Nursery, Dewey Sandbars, St. James Great Parish na isa sa pinakamatandang simbahan sa bansa, Cape Bolinao Lighthouse at Balinga­say River.

Gayunman, sinabi ni de Guzman na ang municipal government ay walang direktang kita mula sa mga turista dahil hindi sila nagpapataw ng environmental at registration fee.

“Unlike in other tou­rism areas, tourists who visited our town’s tou­rist spots were not asked to pay fees to the muni­cipal government, nonetheless, they contributed to the income of business establishments in our area, as well as to the employment of our residents,” ayon kay de Guzman. (Juliet de Loza-Cudia)