Umabot na sa 55 police personnel ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), base sa ulat ng Philippine National Police Health Service (PNPHS) nitong Miyerkoles.
Ayon kay PNPHS director Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr., mayroong limang pulis na nadagdag na kaso ng COVID-19.
Kinilala ni Tadeo ang mga bagong kaso ng Covid-19 na sina:
*PNP patient 51, isang 43-anyos na lalaking pulis mula sa Laguna;
*PNP patient 52, isang 36-anyos na lalaking pulis mula rin sa Laguna;
*PNP patient 53, isang 29-anyos na lalaking pulis mula sa Muntinlupa City;
*PNP patient 54, isang 29-anyos na pulis mula sa Taguig City; at
*PNP patient 55, isang 50-anyos na lalaking pulis mula sa Bulacan.
Samantala ayon pa kay Tadeo, mayroon pang 105 pulis na ikinukunsidera bilang mga probable person under investigation habang aabot naman sa 456 ang mga minomonitor sa COVID-19.
Walong pulis naman ang gumaling sa COVID-19, ayon kay Tadeo. (Edwin Balasa)