Kada araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention.

Ang 571 case ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (Pebrero 28) nang hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa.

Dahil dito ay nakapagtala ng national total na 2,337 kaso, na sinasabing pinakamalaki at pinakamalawak na ‘outbreak’ sa labas ng mainland China.
Sa report, ang nasabing numero ng mga kaso na kinumpirma ay mas mataas ng 67 kumpara nitong Huwebes na nakapagtala lamang ng 505 kaso.

Batay sa huling tala, ang tinamaan ng outbreak ay kinabibilangan ng isang military personnel, dahilan upang umabot sa total na 26 ang nakumpirmang kaso sa South Korean military.

Wala pa namang napaulat na namatay kaya nanatili sa bilang na 13 ang naitalang national death toll.

Nabatid na sa 571 bagong kaso, 447 ay mula sa Daegu, kung saan naka-concentrate o epicenter ng outbreak.

Karamihan sa naitalang mga kaso ay naka-link sa religious group sa lungsod. (Dolly Cabreza)