Nalampasan na ng mga nakarekober na pasyente ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Miyerkoles.

Ayon sa DOH, 230 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala hanggang kahapon o kabuuang 5,453 na.

Nasa 58 pasyente naman ang gumaling kung kaya’t umabot na sa 353 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Nakapagtala naman ng 14 lang na nasawi kaya umabot na sa kabuuang bilang na 349 ang mga namatay sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)