5AS Game Farm dinadagsa

Halos dalawang Linggo akong namasyal sa mga farm sa Angat, Bulacan ang dami na talagang nagmamanok at mga magagaling na breeder.

May kanya-kanyang istilo ng pagmamanok. Ang napansin ko mga klasmeyt sa mga farm na binisita ko – opps teka ‘di nila alam na ako si Dalusapi ha, pumasyal ako bilang buyer ng manok.

San na ba tayo?

Ang napansin ko walang mga cock at puro mga stag, yun pala ‘di nagtatagal sa kanila ang mga palahi nila dahil, minsan, limang buwan pa lang ang edad ay nabibili na.

Tulad nang nakausap ko na isa sa mga dinadayong farm ng mga sabungero sa Barangay Donasyon, Angat, – na si Amiel Samson ng “5AS Game Farm” ‘di nagtatagal sa kanila ang mga bini-breed nila dahil apat na beses sa isang linggo ay may bumibili sa kanila ng manok.

Sa katunayan bago kami nagpunta sa 5AS Game Farm ay may nauna nang nagpunta at namakyaw ng mga manok ni Boss Amiel.

Maraming mga big time na naglalaban sa Pasay Cockpit, Vergara, Mandaluyong Cockpit at San Juan na kilala ko ang bumibili kay Boss Amiel, kaya sabi ko babalik ako sa farm na ito para ma-interview siya at nang buong team ng 5AS Game Farm para malaman natin kung ano ang sikreto niya dahil maraming tumatangkilik sa kanyang mga palahi.

Sa totoo lang mga kasabong, maiinam angf mga manok sa 5AS Game Farm kaya bumili kami ng tatlo, kung itatanong nyo ang presyo ay puntahan niyo na lang at tinitiyak kong masisiyahan kayo at makakapili ng maayos.

Kaya masasabing kong isa sa mga astig sa Angat, Bulacan ang 5AS Game Farm.

***

Sa mga katropa ko na nagtrabisiya sa 2019 World PitMaster Cup, 9-Stag International Derby sa NewPort Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Pasay nakaraan, nagpanalo ba kayo? Basta libang lang.

Sabi nga ni Boss Charlie “Atong” Ang nang ma-interview namin sa Abante Online Sportalakan, magsugal lang po tayo ‘yung kaya lang at maging mautak palagi, kapag nanalo na ay sibat na, bukas ulit.

Hanggang sa susunod na Biyernes, good luck sa pagsasabong mga klasmeyt.