Nangako na ang South Korea na tutulong itong ibalik sa kanila ang mahigit 5,000 tonelada ng mga natitira pang basura na iligal na inangkat sa Pilipinas noong 2018 at kasalukuyang nakaimbak sa PHIVIDEC Industrial Authority sa Misamis Oriental.

Sa kanyang ulat kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III nitong Miyerkoles, sinabi ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na iligal na inangkat ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation ng Cebu ang mga basura na binubuo ng mga plastic synthetic flake noong Hulyo at Oktubre 2018.

Sabi ng DOF, inis­yuhan na ng order of forfeiture at order of reexportation ng Port of Cagayan ang naturang kompanya..

Dagdag pa niya, may hiwalay na shipment ng 51×40 container van ng basura ang isinakay sa cargo vessel na MV Kalireo noong Enero 13 na pumalaot papuntang South Korea kaagad.

Sabi ng DOF, ang natitirang 5,176 na tonedang plastik na basura ay pipisatin at huhulmahing parang bola bilang preparasyon sa pag-ship nito pabalik sa South Korea. (Eileen Mencias)