5M-PESO GIRL!

SALUTE! --- Pagkatapos ng 20 taon, naka-medalya rin ang Pilipinas sa Olympics nang bumuhat ng silver si Hidilyn Diaz sa women’s 53kg weightlifting event sa Rio de Janeiro Games. (AFP)
SALUTE! --- Pagkatapos ng 20 taon, naka-medalya rin ang Pilipinas sa Olympics nang bumuhat ng silver si Hidilyn Diaz sa women’s 53kg weightlifting event sa Rio de Janeiro Games. (AFP)
SALUTE! — Pagkatapos ng 20 taon, naka-medalya rin ang Pilipinas sa Olympics nang bumuhat ng silver si Hidilyn Diaz sa women’s 53kg weightlifting event sa Rio de Janeiro Games. (AFP)

Tapos na ang dala­wang­ dekada — eksaktong 20 taon — na pagkatuyot ng Pilipinas sa kahit anong kulay ng medalya sa Olympics.

Isang 25-anyos na dalagang tubong Zamboanga ang tumapos sa paghihintay ng Filipinos.

Dumayo sa Rio de Janeiro si Hidilyn Diaz para muling buhatin ang Pilipinas. Bigo sa 2008 Beijing at 2012 London, sa kanyang pangatlong Olympics ay nagbunga ang tiyaga ni Diaz.

Ang dating dalagitang nag-iigib lang ng tubig bitbit ang mga balde sa mag­kabilang kamay, 5-million-peso girl na ngayon. May house and lot pa.

Naghihintay ang cash incentive at bahay at lupa kay Hidilyn pag-uwi niya sa Aug. 11 mula sa hindi malilimutang stint sa Rio Olympics nang buhatin ang Pilipinas pabalik sa record books ng Olimpiyada.

Ang 8990 Deca Homes ang magbibigay ng house and lot sa bagong sports heroine. Inabisuhan na rin ang PAGCOR na ihanda na ang P5M cash bonus ng lady lifter.

Lunes sa Maynila, sinikwat ng 25-anyos na si Diaz ang silver medal sa women’s 53-kilogram division ng weightlifting para tapusin ang medal drought ng Pilipinas sa Games.

Huling umakyat sa Olympic podium ang Pili­pinas noong 1996 ­Atlanta sa pamamagitan­ ng silver medal din ni Mansueto ‘Onyok’ Ve­lasco sa boksing.

Si Diaz ang unang Filipina na nagkuwintas ng medalya sa Olympiad.­ Unang atleta rin siya mula Mindanao na naka­gawa nito.
Hindi napatid ang dalangin ni Hidilyn na maka-medalya.

“‘Yung lang ang sabi ko, kahit bronze. Pero silver pa ang binigay ng Diyos!” umiiyak na pahayag ng dalaga.

Naglista ng total lift 200 kilos (88 snatch, 112 clean and jerk) si Hidilyn. Pinakamataas sa podium si Hsu Shu-Ching ng Taiwan sa 212 (100 snatch, 112 clean and jerk), pangatlo si Yoon Jin Hee ng South Korea.

Laglag sa podium si Chinese Li Yajun, bumuhat ng new Olympic record 101 kilos sa snatch, pero hindi nakumpleto ang snatch at clean and jerk.

Inalay ni Hidilyn ang medalya sa mga kababa­yan, kaibigan, coaches at supporters, higit sa kanyang inang si Emelita na nagdiwang ng 53rd birthday noong Linggo.