6-anyos na nene ginahasa, binayaran ng P20

Kasambahay ni-rape ng sikyo

Himas rehas ngayon ang isang tricycle driver matapos gahasain ang 6-anyos na batang babae at bigyan ng P20 para hindi magsumbong sa Barangay Poblacion, Caua­yan City Isabela, ayon sa Cauayan City Police Station (CCPS) kahapon.

Kinilala ng CCPS ang suspek na itinago sa pangalang ‘Asiong’, may-asawa, ng nasabing barangay.

Ang biktima naman ay kinilala lamang sa pangalang Angel, kapitbahay ng suspek.

Ayon kay CCPS Women and Children Protection Desk (WCPD) commander Police Capt. Esem Galiza, unang ginahasa ni Asiong ang biktima noong December 2019.

Sinabi ni Galiza, base na rin sa kuwento ng bata na hinila siya ng tricycle driver sa loob ng bahay nito. Pinaghahawakan siya sa dibdib at ipinasok ang daliri sa maselang parte ng katawan nito.

Matapos ang kahala­yan, binigyan ng suspek ang biktima ng P20.00 upang hindi magsumbong sa mga magulang.

Sa imbestigasyon, nasundan ang panghahalay ng suspek sa bata nitong
Pebrero at ipinasok na ng suspek ang ari nito sa maselang bahagi ng katawan ng bata.

Ayon Galiza, ngayong Marso ay nagsumbong ang bata sa kanyang magulang na agad sinamahan sa himpilan ng CCPS.

Agad namang ipinasuri ang naturang bata sa doktor, na nagpositibong nagahasa. (Allan Bergonia)