Nakaratay ngayon sa Philippine General Hospital ang isang 6-anyos na batang lalaki sa Tondo, Maynila matapos makitaan ng mga sen­yales ng pagkalason dahil sa nalunok na pili cracker.

Ang hindi na pinangalanang batang lalaki ay kabilang sa 11 naitalang bagong biktima ng fireworks-related injury (FWRI).

Nabatid na aksidenteng nalunok ng biktima ang isang piraso ng pili cracker na maaari umanong nagtataglay ng potassium nitrate at potassium chloride.

Ang 11 bagong kaso ng FWRI ay mula sa National Capital Region na may apat na kaso, tatlo sa Region 6 (Wes­tern Visayas) at tig-isa naman sa Regions 4-A (Calabarzon), 5 (Bicol Region), 7 (Central Visayas) at 9 (Zamboanga Pe­ninsula). (Juliet de Loza-Cudia)