6 atletang Pasayeños binigyan ng insentibo

6 atletang Pasayeños binigyan ng insentibo

Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na makatatanggap ng cash incentives mula sa lokal na pamahalaan ang anim na atletang Pasaye­nos na nagkamit ng gold hanggang bronze ­medal sa katatapos na 30th Southeast Asian Games PH 2019.

Sa regular ­flag-raising ­ceremony, Martes nang siniwalat ng alkalde ang dagdag na P100,000 sa gold medalist, P75,000 sa silver at P50,000 sa bronze winners.

Iprinisinta naman ng Mayora sa mga mamamahayag ang mga manlalarong nagbigay kara­ngalan sa lungsod na sina Joshuagleen Bullo, bronze medalist sa sepak takraw men’s doubles; Coleen ­Ferrer, silver medalist sa ­international sailing 420;

Whok Dimapilis,may dalawang ginto sa far east 28r match racing at far east 28r fleet racing ng sailing; Jedah-Mae Soriano na nag-gold sa arnis padded stick women’s ­featherweight;

Philippine Army Cpl. John John Bobier,gold sa ­sepaktakraw men’s hoop at bronze sa best regu at Jeanalane Lopez, bronze sa judo. (Armida Rico)