Inaprubahan sa Kamara ang panukalang magbibigay sa ABS-CBN ng provisional franchise to operate.
Nitong Miyerkoles nag-convene bilang Committee of the Whole ang Kamara para talakayin ang prangkisa ng Kapamilya Network.
Inaprubahan ang House Bill 6732 isang linggo matapos atasan ang TV network na magsara bilang pagsunod sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Batay sa inihaing House Bill No. 6732, bibigyan ang ABS-CBN ng provisional franchise na balido hanggang Oktubre 31, 2020.
Sa sponsorship speech, nanawagan naman si House Deputy Speaker Dan Fernandez na i-contempt ang NTC dahil sa paglalabas ng closure order laban sa ABS-CBN sa kabila ng pagbibigay nito ng kasiguruhan na papayagan ang patuloy na operasyon ng media giant habang tinatalakay pa ang franchise renewal nito.
Sa pamamagitan ng ‘ayes and nayes’ vote, inaprubahan ng Committee of the Whole ng Kamara ang HB 6732, na nagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN ng hanggang Oktubre 31, 2020,
“Providing ABS-CBN with provisional franchise valid until October 31, 2020 will give both the House of Representatives and the Senate to hear the issues being raised for and against the renewal ,and assess with complete impartiality and fairness whether or not the network shall be granted a franchise for another twenty five years. We cannot , in good conscience , sweep the accusation under the rug,” ayon sa pinagtibay na resolusyon.
Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang paghain ng resolusyon.