6 bystander sinuwag ng nagwalang SUV

Isa ang namatay habang anim ang nasugatan matapos manuwag ang isang SUV na nawalan ng preno sa Maharlika highway, Plaridel, Quezon noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Plaridel police ang biktima na si Juancho Sarsaba, na binawian ng buhay bago pa man mairating sa Gumaca District Hospital dahil sa grabeng sugat sa ulo at katawan.

Ayon sa Plaridel police, nasa gilid ng highway ang biktima kasama ang anim na iba pa nang araruhin ang mga ito ng Ford Everest na minamaneho ng negosyanteng si Jesse James Poot, 60, residente ng San Bartolome, Quezon City.

Ayon sa report, patungong Bicol ang sasakyan nang pagsapit sa Barangay Concepcion, Plaridel ay mawalan ng kontrol sa manibela si Poot at sinagasa ang mga bystander na nasa gilid ng highway.

Nasugatan at lahat ay isinugod sa ospital sina Dante VereƱa, Leonilo Garcia , Harlie Balisi at Hector Balisi na lahat ay residente ng lugar.

Nadamay din ang driver at pahinanteng sina Mark Salaysay Dayrit, ng Candaba, Pampanga at Herman Bautista , taga Pulilan, Bulacan na noon ay nagre-repair ng kanilang nasiraang truck sa gilid ng highway.

Nasa kustodiya naman ng Plaridel police ang driver ng SUV at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)