Nasa anim na doctor ng Philippine Heart Center (PHC) ang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay health facility’s executive director Dr. Joel Abanilla.

Sa interview Dobol B sa News TV, sinabi ni Abanilla na kasama na sa nasabing bilang ang cardiologists Dr. Israel Bactol at Dr. Raul Diaz Jara na kapwa nasabi sa virus

“As of now, we have six other doctors who are also positive. Of course, mawala na diyan si Jara at tsaka si Bactol. So may apat,” sabi pa nito.

Gayunman, nasa mabuti umanong kalagayan ang apat na doctor.

Kahapon kinumpisa ng Philippine Heart Association (PHA) ang pagkamatay ng dating president na si Dr. Jara na inilarawan nila bilang isang mabuting ama, guro, mentor, poet, author, singer, colleague, friend.”

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng contact tracing upang malaman kung saan at paano ito nahawa ng virus.

Kamakailan sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang pagkasawi ng isang doctor makaraang magsinungaling ang hinahawakan nitong pasyente sa totoong medical condition at travel history.

“Sila po ay mataas ang tsansa na mahawa kung hindi po kayo magsasabi ng totoo,” sabi ni Vergeire.

“Isa lang naman panawagan natin sa community: Maaari lang po i-disclose niyo po ang compete information niyo. If you don’t disclose, ang malalagay naman sa peligro ay ang ating health workers,” sabi pa nito sa isang interview. ( Juliet de Loza-Cudia)