6 drug suspect timbog sa QC

Nbi agent kulong sa pang-aarbor ng kaso

Arestado ang anim na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City Martes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Melchor Rosales ng Eastwood Police, kabilang sa mga nahuli ang isang security guard na si alyas ‘Jojo’, tricycle driver na si alyas ‘Jack’ at 4 na parokyano nito sa isang drug session.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer sa halagang P3,500 ng iligal na droga bago hulihin ang mga suspek.

Nasabat ang 15 gramo ng hinihinalang droga sa mga suspek na nagkakahalaga ng P100,000.

Ayon sa security guard at tricycle driver, napilitan umano silang gawin ang krimen matapos mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. (Riz Dominguez)