6 estudyante sa tricycle, nalaglag sa bangin

Sugatan ang anim na estuyante ng Piddig National High School (PNHS) matapos malaglag sa ba­ngin ang sinasakyan nilang tricycle na sakop ng Brgy. 23 San Angres, Sarrat, Ilocos Norte noong Lunes.

Kinilala ng Sarrat Police Station (SPS) ang mga biktimang sina John Paul Gino, driver ng tricycle; Jerome Martin, 14; Ricardo Jacinto, 18; Junix Marata at Christian Martin, pawang taga-Ilocos Norte.

Base sa imbestigasyon, ayon sa SPS, galing umano ang mga estudyante sa PNHS at pauwi na ang mga ito nang dumaan siya sa paliko at pababang daan.

Nawalan umano ng kontrol si Gino sa manibela ng tricycle sanhi ng kanilang pagkalaglag sa bangin.

Nagkaroon ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang nalaglag sa ilang metrong bangin.

Agad namang isinugod ang mga ito sa pinakamalapit sa ospital at nilapatan ng unang lunas. (Allan Bergonia)