Pabata na nang pabata ang natuklasang gumagamit ng iligal na droga sa bansa.

Sa edad na sampu ay may gumagamit na ng shabu habang anim na taong gulang pa lamang ay gumagamit naman ng rugby, ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) nang humarap sa budget deliberation ng Senate Committee on Finance kaugnay sa 2017 proposed budget ng naturang ahensiya.

Ito ay kaalinsunod ng pagtatanong ni Senator Sherwin Gatchalian sa DDB kung gaano kabata ang gumagamit ng shabu gayundin ng rugby.

Ayon kay DDB chairman Benjamin Reyes, na base sa kanilang rekord, 10 taong gulang ang pina­kabata na gumagamit ng shabu habang 6 na taong gulang naman ang pinakabatang gumagamit ng rugby.

Sa kanilang survey na madalas ang kaibigan ang nagsusulsol sa paggamit ng shabu sa mga batang biktima at ginagawa rin ang shabu session sa bahay ng kaibigan.

Habang ang mismong magulang naman ang nagpapagamit ng rugby sa mga batang nasa 6 na taong gulang kapag ang mga ito ay nagugutom.

One Response