Anim na kababaihan na kabilang sa mga libu-libong dumagsa at matiyagang pumila sa isang job fair sa Quezon City Hall ang pinalad na matanggap agad sa kanilang inaplayang trabaho sa abroad kahapon, sa Araw ng Paggawa.
Ang naturang job fair na may temang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) ay inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE), araw mismo ng Labor Day para sa mga kababayan nating nais magkatrabaho lokal man o sa ibang bansa.
Nakilala ang mapapalad na mga kababaihan na sina Lea Babelonia, Jamie Pujalte, Aisah Matanog, Gemwel Delute, Elvie Elvie at Janice Paran, na kapwa nabigyan kaagad ng kani-kanilang trabaho sa bansang Qatar.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III, kabilang ang nabanggit na kababaihan sa libu-libong bilang na mga lumahok sa job fair ng DOLE sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Nasa 34,145 local at overseas jobs ng nasa 170 employers ang inalok para sa mga naghahanap ng trabaho.
Katuwang ng DOLE ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa naturang event at siya rin ang nag-asikaso sa anim na kababaihan para maasikaso at mabilis na mai-proseso ang kani-kanilang mga dokumento.
Bukod sa Quezon City Hall, may walo pang job fair sites sa Kamaynilaan ang nagpartisipa.
Kapag nakarating na ng Qatar, saka ninyo sabihin nabigyan ng Trabajo. Eh nasa Job Fair pa lang naman kayo, baka sa CAMGA sumabit pa yan sa Medical na kahit walang sakit eh bibigyan ng sakit para pagka-perahan pa. Masyado kayong abante para magpa-POGI points.