Anim na higanteng korporasyon ang makakaagapay ng Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (PHISGOC) sa pagsasagawa ng 30th Southeast Asian Games 2019.

Ang mga ito ay ang Atos, isang game management systems service provider; ang venue development overlay GL Events; ang organizing committee uniforms Grand Sports; ang host broadcast production partner Media Pro Asia at ang Sonak Corporation na magbibigay ng mga uniform, apparel, kagamitan at bola mula sa mga produktong Marathon, Mikasa at Molten.

Pinasalamatan ng mga PHISGOC official sa pangunguna nina chairperson at dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee Secretary General Patrick Gregorio ang mga pinuno ng anim na kompanya na magiging unang grupo ng sponsor sa biennial meet.

“All our partners have established their expertise in the Asian market, having worked with numerous Asian-level events in the past. The strong concensus is their wish to become part of the 30th SEAG seeing it as an opportunity to give back to the region which is their consistent solid business public,” hayag ni Cayetano.

“Together, we can make this the most viewed and best hosted SEAG,” dagdag niya sa pagtutukoy sa mas higit na misyon ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng buong rehiyon. “We win as one.”

“More than just investing in this year’s SEA Games, you are inves­ting in our country, our people, and development of our athletes. Not only Filipino athletes but athletes of the Southeast Asian region,” giit naman ni Ramirez.

Mahigit siyam na buwan na lang bago isagawa sa bansa ang pinakamalaking edisyon sa kasaysayan ng SEAG kung saan tampok dito ang 56 sports at 523 events na gaganapin sa 39 lugar sa Subic, Clark, Tagaytay, at Metro Manila.

Ipinahayag naman nina Tho­mas Quemin (GL Events), Jin Guilliame-Lacoste (GL Eevents), Jaime Bautista (PAL CEO), Paul Butalid (CEO Atos PH), Annil Bu­xani (CEO Sonak), Lars Heidenrich (Mediapro) at Jirayu Supjindavong (Grand Sports) ang kanilang pasasalamat na maging bahagi ng pa­larong susulong sa Nob. 30-Dis. 11.