Kulungan ang bagsak ng anim na construction worker matapos tangkaing ipuslit ang tinatayang P20,000 halaga ng construction material sa ginagawang gusali sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.
Nasa Silang Custodial Center ang mga suspek na sina Jonatahn Gumnad, 29; Ronald Tinio, 22; Richard Osia, 31; Jing Valencia, 25; Jerico Ayo, 27; Michael Pulmones, 41.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-kuwatro Sabado ng madaling-araw nang damputin ang mga suspek sa gate ng PNPA sa Camp Castanea, Brgy. Tartaria ng nasabing bayan.
Lulan ang mga suspek ng isang Mitsubishi Canter na may plakang AWA 3321, napansin ng mga guwardiya na may lamang iba’t ibang construction material ang sasakyan at nakumpirmang nakaw ang mga ito.