Isinugod sa ospital ang anim katao matapos malason umano sa kinaing karne ng manok sa isang birthday party sa Barangay Pinoma, Cauayan City.
Sa datos ng Cauayan District Hospital, kinilala ang mga biktimang sina John Lester, Judy Triano, Lorena Ricamara at ang kanyang mga anak na sina Vendy, Melody at Hanny na pawang residente ng Barangay Pinoma.
Ayon sa mga biktima, ibiniyahe lamang ang mga karneng manok sa pamamagitan ng pampasaherong tricycle kaya posibleng nakontamina ito at nasira bago naluto.
Sa ngayon ay nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang anim na biktima matapos silang makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at ‘di maampat na pagdumi.