Anim na hinihinalang mga ­tulak ng iligal na droga ang napatay sa magkakasunod na buy-bust ­operation sa Laguna.

Ayon kay Senior Supt. Eleazar Matta, director ng Laguna police, nagsimula ang operasyon dakong hatinggabi ng Lunes at nagtapos kahapon ng madaling-araw sa una at ikaapat na distrito ng lalawigan.

Napatay ng pulisya sa Kalayaan Mountain View Deck, Brgy. Longos ang isang alyas ‘Mike’ dakong alas-10:45. Sinundan ito ng pagkasawi ng isang alyas ‘Edwin’ na napatay sa national highway sa Brgy. Lumot sa bayan ng Cavinti alas-10:50 ng gabi.

Dakong alas-12:05 ng h atinggabi, napatay naman si Francisco Padua y Lozada alyas ‘Kid’ sa operasyon sa Brgy. Balimbingan sa bayan ng Lumban.

Tatlo namang mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang napatay sa Lungsod ng Biñan.

Nakuha ng pulisya sa mga napatay ang mga sachet ng marijuana at shabu at baril ng mga ito na kinabi­bilangan ng limang 38 revolver at isang kalibre 45.