6-peat kahit walang June Mar — Marcio

Tulad ng ­magigiting na mga sundalo, next-man-up ang ­mentalidad ng San Miguel ­Beermen ngayong sigurado nang out si June Mar Fajardo sa Philippine Cup ng papasok na 45th ­season ng PBA.

Inabot ng right shin fracture si Fajardo sa ensayo noong Lunes at inoperahan kinabukasan.

Mahirap punan ang 18.87 points at 13.0 rebounds na average bawat laro nitong nagdaang season ng five-time reinging MVP, pero kailangang humanap ng paraan ang Beermen.

Tulong-tulong, kung gusto nilang idepensa ang korona ng all-Pinoy at makuha ang six-peat.

“As any member that goes down to the team, we kind of just want to get that ‘next-man-up’ mentality,” giit ni gunner Marcio Lassiter, galing din sa injury pagkatapos ng midseason Commissioner’s Cup noong ­nakaraan taon.

Sa gitna ay sina Mo Tautaa, Russell ­Escoto at veteran Billy Mamaril ang inaasa­hang magsasalitan para punan ang butas na iniwan ni June Mar.
Kapapapirma lang kay Mamaril ng bagong kontrata pati kina Von Pessumal at free agent Bambam Gamalinda.

“Obviously, he’s a huge, huge guy to fill a role and he’s been winning all the MVPs for a reason,” dagdag ni Lassiter. “He’s been that dominant.”

May Fajardo o wala, iisa pa rinaniya ang focus ng Beermen sa papasok na torneo.

“Our goal is one thing – to win a championship,” panapos na pahayag ng gunner. (Vladi Eduarte)