Patay ang itinuturing na ‘number 6’ sa mga drug personalities ng pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Dante de Paz alyas ‘Dante’, nasa hustong gulang at taga-Apelo Cruz., Brgy. 157 ng naturang lungsod at may nakalagay pa sa tabi nito ng isang plakard na nakasulat ang mga katagang “Pusher na ayaw tumigil, huwag tularan.”

Sa report ng pulisya alas-7:11 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa Brgy. 157 habang nakatayo ang biktima nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka, na sakay ang mga suspek at niratrat ang biktima.