Anim na araw na lang at bibira na ang “AAO Big Event 6-Stag Derby” sa Sabado, Sept. 7, sa air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Tiniyak ni host Gerry Ramos ng Against All Odds entry ang pagsali ng 50 bigtime cockers, karamiha’y naghahanda rin sa 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag Derby na sisimulan sa Sept.19 sa Resorts World Manila.

Alas-12:00 ng tanghali ang umpisa ng 150 sultada.

Ilan sa sasali: Arman Santos, Paolo Malvar, sabong idol Patrick Antonio, Mayor Nene Aguilar, Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Reps. Eddiebong Plaza and Sonny Lagon, Art Sev, Lito Orillaza, vice mayor Nestor Mercado, Gov. Ito Ynares, Dori Du at Sammy Uy ng Davao, Gerald Go at Eric dela Rosa.

Puwede ang locally-banded stags ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc – Digmaan).

Sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)