Anim ang naitalang sugatan kabilang ang isang Japanese national, na sakay ng bumaligtad na Isuzu Elf truck sa Sitio Bandila, Brgy. Bonbon sa Cebu City kahapon.

Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa katawan ang lima sa mga biktima habang isa naman ay nabalian ng siko.

Nangyari ang insidente dakong alas -12:30 nang tanghali habang binabaybay ang kalsada sa nasabing barangay. Nakasakay umano ang mga biktima at anim na iba pa sa likod ng trak nang mawalan ng preno ang drayber nito.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.