Arestado ang anim katao habang aabot sa P6,000 na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Richard Cecilio, 32, residente ng 131 Edang St. Barangay 151 Zone 16; Prince Collins, alias Tisoy, 22, naktira sa Apelo Cruz, Malibay; Christopher Boral, 35; Bryan Cenas 37, massage therapist ng Cabrera St. at Alvin Sampayan 29, binata, ng Edang St, Malibay ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng Pasay City Police isang buy-bust operation ang ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Edang St, sa pangunguna ni P/senior Inspector Maynard D. Pascual.

Nakumpiska sa mga nabanggit na suspek ang 6 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang tig-P100 na ginamit bilang buy bust money at mga drug paraphernalias.

Nakatakdang samapahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drug act of 2002 sa Pasay prosecutors office ang mga suspek na ngayon ay nakakulong sa Pasay PNP detention cell.