6 tulak sa Bataan todas sa engkuwentro

Anim na suspected drug dealers ang nasawi nang manlaban umano sa mga awtoridad sa isang anti-drug operations ng Bataan Police kahapon ng madaling-araw sa nasabing lalawigan.

Sa report na ipinara­ting ni Bataan Police director, Sr. Supt. Benjamin Silo, dalawang suspek ang nasawi sa ikinasang operasyon ganap na alas-4:00 ng madaling-araw.

Bago ito ay may isina­gawa ring ope­rasyon ang pulisya sa Mariveles, bandang alas-tres ng madaling-araw kung saan dalawa ring suspek ang nasawi habang dalawa pa ang nasawi na hinihinalang drug suspects sa operasyon sa Orani, Bataan.