60 bahay naabo sa Parañaque

Nilamon ng apoy ang may 60 kabahayan at nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan sa tatlong oras na sunog sa Brgy. Sun Valley, Parañaque City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa report ng Parañaque Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshall Supt. Renato Corpuz, nagsimula ang sunog dakong alas-10 ng gabi sa Sitio Bagong Pag-Asa, Brgy. Sun Valley ng nasabing lungsod.

Sa ikatlong palapag ng bahay ng isang Dodong Masangkay unang bumuga ang apoy na mabilis kumalat sa mga katabing dikit-dikit na bahay na pawang gawa lamang sa light materials.

Ayon kay Supt. Corpuz, agad nilang itinaas sa ika-limang alarma ang sunog dahil malakas ang hangin at katabi ng expressway ang residential area.

Kwento naman ng resi­dente na si Bienvenido Mañacap, walang kur­yente sa bahay ni Masangkay at gumagamit lamang ang mga ito ng kandila.

Walang iniulat na nasawi na sunog na tumupok umano sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian.