Umabot sa 600 enhancement quarantine violator (ECQ) ang nasakote ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO).
Base sa datos ng ZPPO na ipinalabas nila mula noong Marso 22, 2020 hanggang unang araw ng Mayo ngayong taon.
Ayon kay Zambales Police Provincial Director P/Col. Pojie Peñones, maliban sa mga lumalabag sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask ay may mga nahuhuli rin silang nag-iinuman at ang ilan ay sangkot sa illegal na nagsusugal tulad ng tupada.
Samantala, nanawagan si Peñones sa mga barangay na paigtingin ang pag-iikot sa mga nasasakupan. Sa ngayon ay nabawasan naman na aniya ito dahil sa epektibo ang ginagawang Patrolya ng Bayan kasama ang PNP.
Gabi-gabi ay nag-iikot ang mga tauhan ng bawat barangay na may kasamang pulis para masigurong wala nang lalabag pa sa umiiral na Enhanced Community Quarantine. (Randy Datu)