Wala yata sa bokabularyo ni James Har­den ang katagang ‘slow down.’

Martes ng gabi kontra New Orleans Pelicans, umiskor ang Houston Rockets star ng 37 points – pang-11 sunod na laro niyang may 35 o higit pa na fifth-longest streak na sa kasaysayan ng NBA.

Ngayong January, naga-average si Harden ng 43.6 points, 8.7 rebounds at 7.6 assists. May palamuti siyang 11 rebounds, 6 assists at 4 steals kontra Pelicans.

Sa 14 na salang, nagsalansan siya ng 610 points para maging u­nang player na may 600 o higit pa sa loob ng isang buwan pagkatapos ni Michael Jordan noong March 1987.

Kaya lang, kinapos ang Rockets sa Pelicans 121-116.