600K `nutribun’ ng SMC pantawid-gutom sa pandemic

Naging solusyon ang `nutribun’ noong 1970s sa malnutrition sa mga mag-aaral sa public school at ngayong nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19 pandemic, binalik ng San Miguel Corporation ang nasabing masustansyang tinapay para mapawi ang gutom sa mahihirap na lugar.

Binalik ng SMC ang paggawa ng masustansyang tinapay na nutribun para i-donate sa may 85 na mahihirap na komunidad sa bansa, kung saan umabot na sa 600,000 piraso na ang kanilang naipamahagi na doble sa produksyon na P284.171 bago matapos ang Abril.

“While our food donations consisting of rice and San Miguel food products continue, there are still many who have limited or no access to sufficient nutrition–the most disadvantaged in our society, especially children. That is why we continue to work to increase production of our ‘nutribun’, so we can distribute them for free and provide essential nutrition for them,” sabi pa ni SMC president Ramon S. Ang.

Taglay ng `nutribun’ ang maraming health benefit na kailangan lalo na ng mga kabataan. Kasama sa sangkap nito ang San Miguel Mills’ King Hard Wheat Flour at Star Margarine. Kumpara sa normal na pandesal na may taglay na 30 gram na dough, mas denser ang nutribun dahil sa 85 gramo ng dough.

Ang isang piraso ng tinapay ang may 250 calories at mataas sa fiber bukod sa taglay na iron at iodine.

“It is really designed to provide energy and essential nutrients, so that our disadvantaged youth can avoid hunger and hopefully maintain good overall health during this pandemic,” sabi ni Ang. “The quarantine is still far from over, and while we worry about the spread of the virus, we also cannot disregard its impact to families already saddled with poverty, whose children are the most vulnerable,”dagdag pa nito.